Night Shift



Ang araw koý tulog at ang gabi koý wlang buhay.
Subsob sa trabaho habang ang diwa ay naglalakbay.
Mga sigarilyo na nagbibigay ng panatag.
Mga buntong hininga na inaabot ng liwanag.


Mahirap pala matakot ng hindi sumisigaw.
Pawang nadidinig ay alingawngaw na hindi umaayaw.
Akoý naghahanap ng taguan para hindi ako makita.
Ayokong sumama, magpadala sa itinadhana.


Ang mga luha ng mata ay suklob ng dilim.
Habang nagpupumiglas ang mga ito kapag ang nakaraaý sariwain.
Ang lagnat sa pusoý malakas na nanlalaban.
Hindi napapagod magtanong, bakit? bakit sya sugatan?


Ang pagtuldok sa pangarap, biglang sumambulat.
Na parang ikaý sinaksak pero bawal umiyak.
Sa gabi na palaging gising, hindi mahapong ulitin.
Maselang bahaghari, patuloy na hihintayin.

Comments

Popular Posts